Mga salin na sinalinan ng iba at mga butal na salin

23. Alamita / alA ‘ mitA / – information

Ang salitang “information” ay nagmula sa latin na salitang “informare” na nangangahulugang “to inform, to report, to tell, to notify”. Ang Alamita ay halaw sa mga salitang Alamin at Balita. Alamin, sapagkat ang alamita (information) ay ang mga bagay na gusto mong malaman ukol sa isang bagay at Balita na halaw mula sa pamuhatan nito.

24. Salinggayan / sAling ‘ gAyan / – communication

Ang communication ay halaw mula sa salitang “communico” na nangangahulugang “to share” o “to impart”. Ang ibig sabihin naman nito ay ang pagpapalitan ng iba’t ibang alamita.  Ang salinggayan ay nagmula sa mga pinagpisang salitang salin (to translate) at bigayan (exchange).

25. Salinhala / sAlin ‘ hAla / – prophet

Ang “prophet” ay isang taong nagsisiwalat sa kung ano ang mangyayari sa kinabukasan. Karaniwan, sila ang mga tagapagsalita ng Diyos. Mga tagapaghatid ng Kanyang utos. Ang salinhala ay halaw sa mga salitang Salita (Word) at Bathala (God)

26. Adalanhala / Adal ‘ an ‘ hAla / – Theology

Ang Theology ay mula sa mga salitang “Theo” o Diyos at sa “Logos” na nangangahulugang “pag-aaral ng -“. Samakatuwid, ang Theology ay ang pag-aaral ukol sa Diyos.

Ang Adalanhala ay nagmumula sa salitang Ilokanong Adal na nangangahulugang “aral”, sa gitlaping “an” para pansklaw at sa salitang “Bathala” na nangangahulugang “Diyos”

27.  Talataningngan / tala ‘ tAning ‘ ngan / – calendar

Ang talataningngan ay nagmula sa mga salita tala (to log, record), taning (date o petsa) at ngan (“kung saan matatagpuan”). Samakatuwid ang ibig sabihin ng talataningngan ay ang bagay kung saan mo matatagpuan ang mga tala ng mga taning.

-salinpusa4

Advertisements
Published in: on Enero 19, 2010 at 7:06 hapon  Comments (3)  

The URI to TrackBack this entry is: https://stalinpusa.wordpress.com/2010/01/19/mga-salin-na-sinalinan-ng-iba-at-mga-butal-na-salin/trackback/

RSS feed for comments on this post.

3 mga punaMag-iwan ng puna

  1. Maitanong lamang, paano ninyo naitatakda kung aling mga salita ang isasalin at kung aling mga salita ang kailangang likhaan pa ng salin? Halimbawa: ang pangkaraniwang ginagamit na salin sa salitang “calendar” ay talaarawan. Ayon din sa talatinigang inilathala noong 1969 ni Jose Villa Panganiban, maaaring gamitin ang “aghamwika” bilang salin ng lingguistics. Ang isa pang iminungkahing salin ay galing kay Gonsalo del Rosarios sa kanyang “Maugnaying Talasalitaang Pang-agham” na dalubwikaan naman ang isa pang maaaring salin ng pangalan ng naturang larangan. Hindi naman sa minamasama ko ang inyong mga nagawa, nais ko lang sanang malaman.

    P.S. : Ang isa pang maaaring salin ng salitang “prophet” ay “manaragna” hindi nga lang ito tagalog. Ganumpaman, nanggaling pa rin daw ito sa isa pang wikang Pilipino

    • Salamat po sa inyong puna, G. Loaf!
      1.) Aaminin namin, hindi sinupan ang aming naging pananaliksik, dahil sa kasulukuya’y puro mga tubong Tagalog (mapa-Maynila pa nga) kaming mga nangangasiwa sa tahanang ito, at ang pinakamalapit lang naming sanggunian sa mga katutubong wika ay ang aming mga magulang at kasambahay. Subalit, kabahagi naman ng aming matayog na pangarap ang maisali sa kilusang ito ang mga pantas sa o may sapat na libog (pasyon) para sa gawain ng pagsasalin, dahil batid namin na walang mapapala ito kung pulos mga Tagalog na naman ang mamamahala.

      2.) Ukol po sa “talaarawan” naisip lang kasi namin na nagkakalabo ang kahulugan ng “calendar” sa salitang “diary”; kumbaga pareho ang salin natin doon. Kung kaya’t para lang po sa mas tumpak na pananalita namin nagawan ang kalendaryo. Hindi rin naman namin nais palitan nang lahatan ang talasalitaang Filipino. Gumagawa lang po kami ng mga mungkahi, na sana sa kalaunan ay maging gamitin na rin.

      3.) Opo, nakasalamuha ko (yaong nagsalin ng linguistics) na ang salitang “aghamwika” at hindi naman pangit na salin ito. Iyon lamang, sa proyektong ito kasi, nilayon din naming makabuo ng mga laping-diwa, ‘yun bang mga panlapi na may hatid na sariling kahulugan kapag kinabit sa ibang butil ng salita (hal. dag- para sa dagitab, o kuryente), na sadyang kulang na kulang sa ating wika (marami lang tayo, yung mga laping-balarila, na napakagamitin na). Ayon po kasi kay G. Virgilio Almario, mga panlapi ang “genius” ng ating wika, kaya mainam na palaguin ang mga ito. Isa sa mga nabuo namin ay yaong hahalili sa butil na “-logy” sa napakaraming salitang Ingles (na sila ring hango sa Griyego), para mangahulugang “pag-aaral”, na sasaklaw na rin sa gawain ng linguistics. Iyon ay y’ong “adal” ng Ilokano. Mayroon din po kasi kaming pinanghahawakang teorya o haka, na mas kapani-paniwala (di sing-pagdududahan samakatuwid, gagamitin), kapag hindi halata ang pamuhatan (etymology). Sa aghamwika po kasi halatang galing sa agham + wika. Ang punto, sa paggamit ng “adal-/adalan-” sa “adalandila”, mas napapalapit tayo sa tinatawag na “standardization” at “consistency.” Hindi namin itinatatwang matinong salin din ang dalubwikaan at aghamwika. 🙂

      P.S. Sa katunayan, mas maganda ang iyong ibinigay/nahanap na salin sa “prophet” dahil “tagpo” (found/ingrained) na pala siya sa ating wika, at hindi “gawa” (synthesized) lamang. Salamat po, at nais ko po kayong makabalitaktakan sa susunod. 🙂 Inaanyayahan ko rin po kayong ipagpatuloy ang pamumuna. Paki-email na lang po ako kung nais niyo pa ng mas mabusising kasagutan (dahil hindi po angkop ang ganito kahahabang mga puna sa pahina mismo).

      • (nakalimutan ko, patawad) Tungkol po sa pagpili kung alin-alin ba ang kailangang gawan, isa po sa aming batayan ay ang simpleng pang-araw-araw na pananalita namin, o ng mga nakakasalumuha namin. ‘Yun bang mga pagkakataong diretso ang Filipino PWERA lang sa ilang termino. Ang tawag namin dito’y budbod-balarila (mula sa orihinal na ideyang “jargon-sprinkled Filipino grammar” na nagamit ng isa sa amin sa isa niyang research paper). Kumbaga ito ‘yung mga mungkahi naming solusyon para mawaksian ang pagtalon-talon ng riles. Bukod po roon, siyempre’y nariyan ang mga lahatang disiplina ng agham (kapnayan, haynayan, liknayan, atbp.), sipnayan, panitikan, atbp. na may kani-kaniyang mga terminong pang-akademiko na, sa kasawiang-palad, ay pinananatili na lamang sa Ingles, kung kaya’t napupugay ang Ingles samantalang nahahamak naman ang Filipino, sadya man o hindi, ng mga gumagamit o ng mga namamanatili.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: